Huwebes, Pebrero 6, 2014

Francisco Dagohoy -Talambuhay

Francisco Dagohoy 


Francisco Dagohoy Talambuhay

Si Francisco Dagohoy ay isang Boholano na naging tanyag sa pamumuno sa pinakamahabang rebolusyon sa kasaysayan ng Pilipinas na tinawag na Dagohoy Rebellion.

Ang naturang rebelyon ay laban sa Spanish colonial government sa Bohol mula 1744 hanggang 1829 o tumagal ng 85 taon.

 Personal na buhay

Ang tanging impormasyon sa buhay ni Francisco Dagohoy ay kilala ito bilang Francisco Sendrijas at tubong Inabanga, Bohol.  Nagsilbi siyang cabeza de barangay o isa sa mga kapitan ng barangay sa lalawigan.

Rebelyon ni Dagohoy

Ang Dagohoy Rebellion ay isa sa dalawang malalaking rebolusyon sa Bohol, Philippines noong Spanish Era. Ang isa ay ang Tamblot Uprising noong 1621 na pinangunahan ng isang Tamblot,  o babaylan.

Ang Dagohoy rebellion ay hindi religious conflict kundi dahil sa forced labor, Spanish oppression, vandala, excessive tax collection at payment of tributes.

Isa sa nagsilbing mitsa ng rebolusyon ang hindi pagpayag ng Jesuit priest na bigyan ng Christian burial ang isang kapatid na namatay sa duwelo.

Dahil dito, nanawagan si Dagohoy ng pag-aaklas sa Boholanos.

Ang senyales ng pag-aaklas ay ang pagkakapatay kay Giuseppe Lamberti, isang Italian Jesuit curate of Jagna noong January 24, 1744.

Mabilis na sumiklab ang rebelyon.

Tinalo ni  Dagohoy ang Spanish forces na ipinadala laban sa kanya.

Itinayo ni Dagohoy ang free government sa mga bundok kasama ang 3,000 tagasunod na naging 20,000.

Ang Francisco Dagohoy Cave sa Danao ang nagsilbing headquarters ni Dagohoy.

Isa sa mga crystal-studded passages sa Dagohoy’s cave ay may underwater route patungo sa dry land kaya’t tuwing may kalaban ay mabilis na nakalalangoy si Dagohoy palabas.

Umabot sa 20 Spanish governors-general ang nagtangkang pumigil sa rebelyon subalit pawing nabigo.

Noong 1825, naging governor-general ng Pilipinas si General Mariano Ricafort.

Sa kanyang atas, sumalakay si Alcalde-mayor Jose Lazaro Cairo kasama ang 2,200 Filipino-Spanish troops  sa Bohol noong May 7, 1827.

Bagama’t nanalo ito sa ilang engkwentro, nabigo si Cairo na tuluyang sawatain ang rebelyon.

Noong April 1828, isa pang Spanish expedition sa ilalim ni Captain Manuel Sanz ang nagtungo sa Bohol. Makalipas ang isang taong kampanya, tuluyan nang napabagsak ang tropa ni Dagohoy.

Noong August 31, 1829, natapos ang rebelyon.

Pinatawad naman ni Governor Ricafort ang 19,420 survivors at pinayagan silang mamuhay sa mga bayan ng Batuan, Cabulao, Catigbian at Bilar.

 Pamana

Kinilala si Dagohoy bilang lider ng longest insurrection.

Ang bayan ng Dagohoy sa Bohol ay ipinangalan bilang pagkilala sa kanya.

Isang historical marker sa libingan ni Dagohoy ang inilagay sa Danao, Bohol.

Matatagpuan ito sa Magtangtang, Danao, Bohol.

Ipinangalan din sa kanya ang Dagohoy Memorial National High School sa Dagohoy, Bohol.

Ano ang naging aral sa talambuhay ni Francisco Dagohoy?

3 komento:

  1. Casino & Sports Book - Wooricasinos.info
    Book a Bet365 account to withdraw funds. You 유니벳 must sign up to a 안전사이트 Bet365 Sportsbook account and enter 벳무브 your  블랙 잭 사이트 Rating: 저녁 메뉴 추천 룰렛 8.8/10 · ‎Review by Wooricasinos

    TumugonBurahin
  2. Hotels Near Harrah's Casino Philadelphia - Mapyro
    Hotels near Harrah's Casino Philadelphia 삼척 출장안마 · Golden Nugget Philadelphia 안동 출장안마 Casino & Racetrack 서산 출장샵 · Golden 대구광역 출장샵 Nugget Philadelphia Casino & Racetrack · Oceanfront 포천 출장샵 Philadelphia

    TumugonBurahin
  3. Where to Bet on Sports To Bet On Sports In Illinois
    The best sports bet types and bonuses available in Illinois. The most common worrione.com sports betting 출장샵 options available. Bet $20, Win $150, Win $100 토토 사이트 홍보 or casinosites.one

    TumugonBurahin